Month of the Ocean Bike Tour
The bike tour was a pain in the butt. Literally. Feeling ko may pasa na ko sa pwet. :)) Borrowed my Tito's bike, and yung upuan dun, mahabang matigas. That's what she said. Anyway, na-enjoy ko naman yung ride kahit na masakit sa pwet bandang dulo na at naghihingalo na ko haha. Thank god for overcast skies! Hindi mainit though nasense kong nagka-tan lines ako. At grabe lang talaga yung pollution sa Manila area. Next time, I really should tie a bandana to cover my nose and mouth. Though weird yung tan line nun if ever. Bring shades too, then.
Tinignan ko sa google maps kung gaano kalayo yung ni-bike namin: from Ninoy Aquino Parks and Wildlife to Rajah Sulayman Park sa may Roxas Blvd. Pero napunta pa kami ng MOA and umikot pabalik hanggang makabalik ulit sa Rajah Sulayman. That's about 20km, not bad for my first legit bike tour. I remember I joined a Firefly Brigade tour nung bata ako, mga 11yo ata pero hindi naman yun from start to finish. Saya saya magbike lalo na pag leisurely yung pace.. nakakapressure lang sometimes kasi nasa may hulihan ako at nakakatakot when I'm not in the midst of a throng of bikers. At one point kala ko nga ako na yung pinakahuli. Katakot. Minsan kasi nagkakagap sa bikers, like pag nagswitch yung stoplight. Takot ko lang maiwan k! Kaya hindi talaga ko nagstop for water hanggang sa moa, feeling ko konting stop ko lang, ako na agad yung madudulo. Buti kinaya naman hahaha. May little girl (mga 8-10yo) nga na nagparticipate, and she was so good. Nakasabay siya, galing! Nahiya naman ako sa sarili ko kasi naghihingalo na ko, at mas mabilis pa siya. :)) Good for her!
Nakakastress pag paakyat hoho, di ko ma-adjust yung cambio (kambio?). Buti kinaya naman. And thank god dahil walang nangyaring masama dun sa bike, like maflat-an or madislocate yung chains sa gear. I'm just really glad I finished the tour. At masaya yung nagccruise na kami sa may roxas blvd, the sight of the sea always manages to calm me. Ambaho nga lang.
Very antisocial ko lang nung event haha. Ang grepa ng feeling :)) Grabe yung pawis ko after (and during). Actually, na-disappoint ako dun sa event itself. I think mas marami pang pwede gawin dun sa event to promote ocean conservation/month of the ocean. Guest speakers include the undersecretary of DENR. Though sinabi na importante ang corals, oceans, etc sa livelihood ng mga tao, and that nakakatulong ang bike tour to promote awareness, andami pa ring kulang. Sad at hindi minention dun sa program yung ibang activities pa sa month of the ocean, or kung paano pa makakatulong ang mga tao. Iniisip ko rin kung gaano ka-effective kaya yung bike tour to promote the month of the ocean.. may fliers sana na binigay sa mga nasa streets, gaya nang sa mga rallies. Ang underwhelming lang talaga ng naging program so I hope mas maging maayos in the future. And sana loop yung trail hahaha. Haggs ang mahal nung taxi back to Lola's, kung saan ko isosoli yung bike. Iniisip ko tuloy kung worth it ba yung around 500php na pamasahe na nagastos ko for taxi. In fariness naman dun sa event, may libreng dri-fit shirt and breakfast, so ok na rin; nadidisappoint lang talaga ko kasi it could've been a lot better. But I'm glad I went. :) Exercise din yun nambonggz ah!
Grabe natulog ako kina lola for about 4 hours hahaha! Played with my cute cousins. Shet cute cute ng aking 1year old cousin baby boy! I miss cribs tuloy. And anniversary pala ng parents ko today, Nanay got a bouquet of sunflowers, pinabili ni tatay kay kuya since he's still in Davao. Answeet! Love my parents and their relationship! Answerte ko talagang bata. :)